Tuesday, September 1, 2009

September

September..... hmm... bakit ba sobrang importante ng buwan na 'to?... Siguro kasi, this is the month that will start the christmas fever... kasi nga "ber" na... You can actually hear songs from radio, playing some christmas carols and of course the most popular 'christmas in our hearts' and 'pasko na sinta ko'... and start na nang paglamig na ng simoy ng hangin....


at syempre September ako naging mommy.... September 12, 2004... hays, malapit na yun... 11 days to go... 5 years old na sya... hays... wala kaming panghanda.... hindi bale, may susunod pa naman... I remember the first time i saw my child... huh!!!! i was so amazed.... grabe baby talaga... ang puti and may balat.. hehehe.. naiicip ko kasi ung parang mga baby animals, tipong basa at nakadikit ng sobra ung balahibo nila... (salbahe ba ako?)... And i remember, someone asked me kung ano daw ang naramdaman ko nung makita ko si RJ... ang totoo, wala... ewan ko... pero wala talaga... pagkagising ko nga mas hinanap ko pa si Katlin.... Sorry son, pero un talaga naramdaman ko....


and that person who asked me that question told me that when she first saw her child, she thought of how her mother loved her... grabe... naloka ako... napahiya ako sa sarili ko... but now, i also felt the same thing... grabe pala ang love na kayang ibigay ng isang ina sa kanyang anak... unconditional talaga... nararamdaman ko na yun ngaun... for the past 4 years of being a mother to our RJ, sobra na ang love na binigay ko sa kanya and will not get tired of giving all the love i have.


and one thing.... kapag pinapagalitan ko ang anak ko, naririnig ko sa sarili kong bibig ang mga naririnig kong sinasabi ni nanay sa kin dati nung kinagagalitan nya ako... nakakatuwa... kasi minsan napapahinto ako kapag pinagagalitan ko si RJ... hay talagang paikot ikot lng ang life...


ang dami ko pa sanang gustong sabihin pero its late na... inaantok na ang mahal kong asawa... hay... masyado kasing busy this past few days.... i just make it sure lang talaga na makpagpost ako ngayong first day of September...
I love you, son.... Mahal na mahal ka ni Mommy and Daddy...




Photo by me..

Linggo ng Wika

No comments:

Post a Comment