Friday, August 28, 2009

Buntong Hininga

Dear Jennifer,
ang daming pumapasok sa isip ko... kung anu-ano.. ang daming gustong ilabas... pero parang ayaw lumabas ng mga tamang letra... hay.... hindi naman kasi ako magaling magsulat.... ni hindi nga ako nakasali sa kung anumang mga patimpalak nung nag-aaral pa ko... ni hindi ko napa-akyat ang magulang ko sa "stage" para sabitan ako ng medalya... hay.... pero 3 beses din naman silang umakyat...

1. Graduation ko ng Pre-school
2. Graduation ko ng High School
3. Graduation ko ng College
San ko nga ba mailelebel ang sarili ko?.... Average?... siguro... kasi hindi naman ako bobo... tamad lang... puro kasi crush ang inaatupag ko noon...
Elementary... ang bestfriend ko, si Cecilia... mabait, mahinhin at siyempre matalino... actually, lima kmi... Si mel, si levy at cherry... Mayroon din kaming code name... kaso sa tagal... hindi ko na maalala... hay.... napakasimple ng buhay noon... Baon, aral, laro at exam lang ang problema.. Pero sa tuwing iniisip ko yun, parang hindi ako makapaniwala.. it's been 18 years... parang kelan lang... at feeling ko kahapon lang yun...
Si mel at si cherry, we get connected and updated with what is happening with our lives again thru internet.. FRIENDSTER... si Levy, siguro mga 8 years ago, nagkita pa kami sa monumento, doon sa terminal ng Meycuauyan - Mento (NLEX ang daan).. Si Cecilia, hindi ko na matandaan kung kelan ung huli... ah, noong debut nya yata... invited pa ko... that was 12 years ago.. after that.... wala na... hay... Sayang... nagkalayo kami... naiinggit ako sa mga classmates ko noon na hanggang ngayon kahit lumipas na mahigit isang dekada ay magkakasama at magkakaibigan pa din...
Ilang buntong hininga man ang ilabas ko.... hindi ko na maibabalik ang nakaraan... maraming beses akong dumaraan sa lugar kung saan ko inubos ang panahon ko ng elementarya pero sa daming beses na yun, isa, dalawa, tatlong beses ko lang nakita ang ilan sa mga taong naging bahagi ng nakaraan na yun...


Photo by me

No comments:

Post a Comment