Wednesday, September 9, 2009

Doyee "the miracle dog"

September 5... Nagising ako sa tawag ni kuya... nanghihiram ng sasakyan kasi dadalhin si doyee sa vet...
"ako nga, problem ko kung san ililibing si doyee".. my kuya's statement... kasi sa liit ng mga lupa ngayon, lahat nagamit na for extension... "isusuko ko na nga dapat eh"... but when he heard his little girls crying over their 5 months old doggie, nadurog ang puso nya... "grabe, lalo na si diana"...

birthday ni leila that day.. pero imbes na ipaghanda, ginastos nila ang pera para kay doyee...

natatawa ako na natutuwa about that iyakan scene na kwento ng kuya ko... about their love with that cute little black labrador... sayang nga naman... kasi bigay lang naman yun ng kuya nila... sayang naman kung hindi nila ilalaban..

first time ko makakita ng dog na nakadextrose... and when i saw doyee, ang payat na.. para syang 'askal'...
hindi nasayang ang paglaban nila... doyee is ok now.... first time niyang mag pupu ng buo kagabi... and that's a good sign that she's doing well... Thank God...
Photos: Diana, Leila, Daisylene and Doyee..

No comments:

Post a Comment