Wednesday, September 30, 2009

September 26, 2009

---- Typhoon Ondoy -------

salamat sa Diyos at ito lang ang naging trahedyang binigay ng bagyong si "Ondoy sa aming lugar...
"mapalad ang mga taong may mga gamit pang nalilinis kesa sa mga taong wala ng malilinis na gamit...
mapalad ang mga taong kahit walang natira sa kanila ay hindi kinuha ng lupit ni Ondoy ang kanilang buhay...
mapalad ang mga taong nabawian ng buhay sapagkat nasa kaharian na sila ng Panginoon.. at hindi na muling mararanasan ang lupit na dala ng kalikasan"















photos and video by khaye

Sunday, September 13, 2009

September 12

its the 5th birthday of our little "super inggo"... we went to Antipolo to attend mass and its a rainy morning travel... after attending 2 masses, we travel again to visit a family friend in crestwood... wow!!! its an amazing place... beautiful place to live in... sayang, wala kaming pambili ng house and lot sa subdivision na yun.
ito ang maulan nming byahe patungong Antipolo..










Actually, we're celebrating 3 birthdays this september... Leila, Kathleen and my son RJ...
Thank you sa nanay at tatay na kahit medyo nagigipit eh nagagawan pa rin ng paraan para maging masaya ang birthday ng mga apo...



happy faces of our angels... showing how happy they are.. simpleng byahe mula bulacan hanggang antipolo... maulan pa... pero they really enjoy it kasi magkakasama silang magpipinsan... sayang wala sa kuha si kuya josh...







hayan kahit stolen shot nkuhanan din... while they're playing cards... papahiran ng powder ang makakakuha ng lowest card...



Ang simpleng handa....
at
ang pag blow the candle ng celebrator..Happy Birthday to our super inggo...

I also want to thank the hospitality and kindness of Quiambao Family (Jason, Maam Lina and Mr. Quiambao) to let us visit them and have our lunch in their wonderful kingdom... Ang sarap po ng food.. And to let us know that we are always welcome and the kids brought joys (even for just moment) in their home...Sa pasko po babalik kami... lol.. Maraming salamat po...

I only have photo of their house... Pero ang ganda po ng inside ng bahay nila... pati ang mga nakatira they're all very kind... Thank you po uli... At nagkaroon ng celebration ang birthday ni RJ.. Thank you sa mga food na pinabaon nyo po sa amin... :)




Thank you.... Photos by Ate Flor

Wednesday, September 9, 2009

Doyee "the miracle dog"

September 5... Nagising ako sa tawag ni kuya... nanghihiram ng sasakyan kasi dadalhin si doyee sa vet...
"ako nga, problem ko kung san ililibing si doyee".. my kuya's statement... kasi sa liit ng mga lupa ngayon, lahat nagamit na for extension... "isusuko ko na nga dapat eh"... but when he heard his little girls crying over their 5 months old doggie, nadurog ang puso nya... "grabe, lalo na si diana"...

birthday ni leila that day.. pero imbes na ipaghanda, ginastos nila ang pera para kay doyee...

natatawa ako na natutuwa about that iyakan scene na kwento ng kuya ko... about their love with that cute little black labrador... sayang nga naman... kasi bigay lang naman yun ng kuya nila... sayang naman kung hindi nila ilalaban..

first time ko makakita ng dog na nakadextrose... and when i saw doyee, ang payat na.. para syang 'askal'...
hindi nasayang ang paglaban nila... doyee is ok now.... first time niyang mag pupu ng buo kagabi... and that's a good sign that she's doing well... Thank God...
Photos: Diana, Leila, Daisylene and Doyee..

Wednesday, September 2, 2009

Define Love...

i remember from my old school days, when a friend asked me to sign her "Slum Book"... Define Love... Love is blind... hahaha... without even understanding the real meaning of LOVE then... as i grow older, nadagdagan ang sentence Love is not blind, love sees but doesn't mind... and because of some heartaches from love it strikes me... hmm... ibig sabihin naintindihan ko na sya kasi nagmahal na ako...



Now, a friend of mine is confused on how to deal with what she feels.. about love... of knowing that the love she have is real but definitely wrong... sino ba ang dapat niyang piliin?... the man she love or the man who is willing to give every thing for her?... sa mga taong wala sa katayuan nya madaling sabihin na dapat maging practical... pero kitang kita ko sa mata nya na nahihirapan sya... pinipilit nyang maging tama sa damdamin nya ang ginagawa nya... maybe its an intelligent decision but a pain in her heart... pero siguro ngayon lang magiging masakit kasi may sinisigaw pa ang puso nya... may gusto sanang puntahan at may gusto sanang patunayan... i believed that if the intention is pure ay magiging happily ever after...



na wish ko na to dati..



nung nasaktan ako ng taong minahal ko...



na sana mag fast forward na ang life ko para mawala na ang sakit... at if that future came sana my life is a success; i have a good family and a wonderful husband and a great life and i will thank him for hurting me because i am having the best part of my life..



actually, that wish came true... i have a wonderful family.... meron Melvin at RJ.. pero im not thinking of doing the last part of my wish.. Kasi alam ko masasabi nya sa sarili nya na buti na lang hindi kami nagkatuluyan kasi hindi ko kayang ibigay kung ano ang buhay na meron sya ngayon.



i just hope my friend will be thankful for everything that is happening to her life right now because time will come and evrerything will be in order and she couldn't ask for more... because everything in her life (in the future) is beautiful....



Define Love:... Love is immeasurable... nde kayang sukatin ng kahit anong klaseng instrumento....

.... Love is my family; to whom i can give my immeasurable love...




Tuesday, September 1, 2009

September

September..... hmm... bakit ba sobrang importante ng buwan na 'to?... Siguro kasi, this is the month that will start the christmas fever... kasi nga "ber" na... You can actually hear songs from radio, playing some christmas carols and of course the most popular 'christmas in our hearts' and 'pasko na sinta ko'... and start na nang paglamig na ng simoy ng hangin....


at syempre September ako naging mommy.... September 12, 2004... hays, malapit na yun... 11 days to go... 5 years old na sya... hays... wala kaming panghanda.... hindi bale, may susunod pa naman... I remember the first time i saw my child... huh!!!! i was so amazed.... grabe baby talaga... ang puti and may balat.. hehehe.. naiicip ko kasi ung parang mga baby animals, tipong basa at nakadikit ng sobra ung balahibo nila... (salbahe ba ako?)... And i remember, someone asked me kung ano daw ang naramdaman ko nung makita ko si RJ... ang totoo, wala... ewan ko... pero wala talaga... pagkagising ko nga mas hinanap ko pa si Katlin.... Sorry son, pero un talaga naramdaman ko....


and that person who asked me that question told me that when she first saw her child, she thought of how her mother loved her... grabe... naloka ako... napahiya ako sa sarili ko... but now, i also felt the same thing... grabe pala ang love na kayang ibigay ng isang ina sa kanyang anak... unconditional talaga... nararamdaman ko na yun ngaun... for the past 4 years of being a mother to our RJ, sobra na ang love na binigay ko sa kanya and will not get tired of giving all the love i have.


and one thing.... kapag pinapagalitan ko ang anak ko, naririnig ko sa sarili kong bibig ang mga naririnig kong sinasabi ni nanay sa kin dati nung kinagagalitan nya ako... nakakatuwa... kasi minsan napapahinto ako kapag pinagagalitan ko si RJ... hay talagang paikot ikot lng ang life...


ang dami ko pa sanang gustong sabihin pero its late na... inaantok na ang mahal kong asawa... hay... masyado kasing busy this past few days.... i just make it sure lang talaga na makpagpost ako ngayong first day of September...
I love you, son.... Mahal na mahal ka ni Mommy and Daddy...




Photo by me..

Linggo ng Wika