Sunday, April 25, 2010

Sta. Cruz, Manila




Sta. Cruz.... hmmm... ano bang meron sa sta. Cruz?.. Dati, takot ako sa lugar na un. kc madaming "intsik" ewan, parang may phobia ako sa matataas na bldg tas puro chinese ung nakasulat.. pero dati un..
ngaun sa tuwing makikita ko ang sta. Cruz, parang gusto kong hilahin pabalik ung time when i started working there.. hay!!!! nakakataba ng puso... naiiyak ako na hindi ko mawari... Ang daming memories na naipon sa lugar na yun.... dagdag pa ung mga taong naging part ng buhay namin.. Si Walter, si rodney, si hosef, si Maam Fely, si Col, si sir Ted and si maam Gene.... pati pala si Ate Jean...
Nung lumindol at lalo na nung nasunog ang 4th flr ng BPI Bldg (formerly Prudential Bank Bldg.).. Nakakatakot un ha!. Kala ko nasa front page na tayo ng dyaryo kinabukasan... kala ko hindi na tyo makakalabas ng buhay sa bldg.. :) Masaya akong nangyari un na kasama kita..
Mahal na mahal ko ang sta.Cruz dahil syo... hay naku.... it started when i started loving you. Sa twing makikita ko ang mga lugar na pamilyar para sa atin ay naaalala ko kung pano nagsimula ang fairy tale ko.. kung pano ka naging prinsipe ng buhay ko..
at kung paano naging pansamantalang kaharian natin ang Sta. Cruz.



thanks to (wikipedia Sta. Cruz Church Photo / Adgaps saaya-holic)

No comments:

Post a Comment